Miyerkules, Hunyo 12, 2013

naaalala...

Naaalala ko pa yung crush ko nuong elementary ako. Pagkagraduate namin ng elementary ay lumipat na sya ng school sa Manila. Bale, 6 years ko na syang di nakikita sa personal. Nitong bakasyon ay biglang nagkaroon ako ng sumpong. Biglang miss na miss ko na sya. Biglang ayan na yung mga gabing palagi kong tiningnan account bya sa FB. Kapag online sya ay nagchachat kami. Miss na miss ko sya. Gusto ko na sya makita uli sa personal.
Binago nya kasi yung academic life ko nuong naging close kami nung elementary. Ang bobo ko kasi; tamad kasi magreview. Pero sinipag ako mag aral dahil gusto nya magpataasan daw kami ng grades. Pumayag ako kasinagugustuhan ko na sya nuon. Effective! Noong una ay madalas sya ang mas mataas ng ilang points sakin. Pero kinalaunan ay nag excell na ako sa kanya. Dati nga nung di pa kami close ay laging halos 70% ng sagot ko sa tests ay mali. Pero simula nung nakilala ko sya naging pangkaraniwan nalang sakin ang makakuha ng perfect score.
Since nuong maging close kami noong elem hanggang nagyong second year college na ako ay di ko nakalimutan ang naging role nya sa academic life ko. Noong HS ay nakapasa ako sa entrance exam ng section ng SPECIAL SCIENCE CLASS. Top 13 ako at highest sa science. Noong HS naman ay nag UPCAT ako pero hindi ako nakapasa. Sumubok ako magpawaitlist. At dahil ang taas ng Science ko sa UP Grade ko, naipasok ako sa UP Manila.
Ngayon ay kasalukuyan akong second year sa UPM. Sya naman ay sa PUP Sta. Mesa nag-aaral. Gusto ko uli sya makasama para makabonding dahil pakiramdam ko ay nagiging basura nanaman ang acads ko. Gusto ko makibalita sakanya at gusto ko malaman kung gaano kataas ang itinaggkad nya.
Namimiss ko na si Daniel Dela Cruz. Salamat sa'yo at nagawa mong mabago ang buhay ko. :)